DZME1530

Schedule ng PBA Season-Ending Governor’s Cup, inilabas na

Inilabas na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang schedule para sa kanilang Season-Ending Governor’s Cup na magsisimula ngayong Linggo, Enero 22.

Magsasagupaan ang Meralco Bolts at Rain or Shine, alas kwatro y medya ng hapon sa PhilSports Arena, at susundan ito ng bakbakan sa pagitan ng Converge at Northport ng ala-sais kwarenta’y singko ng gabi.

Sa Enero 25 naman, araw ng Miyerkules, magtutuos ang Blackwater kontra NLEX at ang TNT laban sa Phoenix Super LPG, sa Smart Araneta Coliseum.

Magsisimula ang kampanya ng bagong Commissioner’s Cup Champion at Reigning Governor’s Cup Titleholder na Barangay Ginebra sa Pebrero a-singko, laban sa Elasto Painters.

Bukod sa PhilSports Arena at Smart Araneta Coliseum, gagamitin ding venue ng liga ang Ynares Center sa Antipolo City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

About The Author