dzme1530.ph

S. Korean Actor Kim Soo-Hyun balik-Pilipinas

Balik-Pilipinas ang South Korean Actor Na Si Kim Soo-Hyun, wala pang isang taon mula ng huli siyang bumisita sa bansa.

Dumating kahapon ang aktor para sa isang fan meet na inorganisa ng isang donut brand na kanyang ini-endorso.

Bitbit ang mga tarpaulin at regalo, maraming Filipino fans ang sumalubong sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Huling bumisita ang South Korean Heartthrob sa bansa noong Hunyo ng nakaraang taon, kung saan naging emosyonal ito nang makita ang kanyang mga fans sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bukod sa K-Drama Na “It’s Okay to Not Be Okay” bumida rin ang aktor sa ilang sikat na Television dramas gaya ng “Dream High”, “Moon Embracing the Sun”, at “My Love from The Star.”

About The Author