dzme1530.ph

Sa kabila ng pagboycot, Sen. Imee Marcos, ipinangampanya pa rin ni PBBM sa Tacloban Leyte

Loading

Ipinangampanya pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kanyang kapatid na si Sen. Imee Marcos kahit binoyccott nito ang campaign rally sa Tacloban, Leyte.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ng Pangulo ang karanasan ng kanyang kapatid na naging gobernador, kongresista at senador sa paglilingkod para sa taumbayan.

Ayon pa sa Pangulo sa kanilang magkakapatid, tanging si Imee ang natutong mag-waray kaya’t kung present aniya siya ay tiyak na magtatalumpati ito sa lokal na dayalekto.

Hindi dumalo sa rally ang senadora dahil hindi raw niya nagustuhan ang ginawang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t walang direktang sinabi si Pangulong Marcos kaugnay sa pagdakip kay Duterte, muli niyang binigyang-diin na hindi kailanman solusyon laban sa krimen at droga ang pagpatay sa libu-libong Pilipino.

Hindi rin aniya kailangan ng pananakot at paninigaw at ang dapat ay magkaisa hindi mag-away.

Muli ring nanawagan ang Pangulo ng 12-0 na pagkapanalo para sa kanyang senatorial line ups.

Sa siyam na campaign rallies ng Alyansa, ang rally sa Tacloban City ang may pinakamalaking bilang ng mga dumalo na umabot sa mahigit 100,000.

Bukod naman kay Imee, absent din sa rally sina Sen. Pia Cayetano at Cong. Camille Villar.

About The Author