dzme1530.ph

Rep. Ortega, pinayuhang mag-aral pang mabuti kaugnay sa impeachment proceedings

Loading

Pinayuhan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V na mag-aral pang mabuti.

Sinabi ni Escudero na dapat alamin ni Ortega ang kaibahan ng motu proprio hearings na maaaring gawin ng Senado sa panahon na nakabreak ang sesyon at ang impeachment proceedings na hindi maaaring simulan sa panahon ng recess.

Maliban na lamang aniya kung nais ng kongresista na isabotahe ang sarili nilang impeachment case sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa defense panel upang kwestyunin ang proceedings sa pagpupumilit nilang simulan ang impeachment trial nang hindi naka-sesyon ang Senado.

Muling pinagsabihan ng senate leader si Ortega at ang kaniyang mga kapwa prosecutor na samantalahin na lamang ang panahon para palakasin ang kanilang kaso.

Iginiit ni Escudero na sa sandaling magsimula na ang trial ay hindi nila papayagan ang anumang hakbangin upang idelay ang proseso.

Patutsada pa ng senador kay Ortega na baka nais nitong humingi ng malinaw na senyales mula kay House Speaker Martin Romualdez na kuntento at hindi kinuwestyon ang anumang aksyon ng Senado.

About The Author