dzme1530.ph

Rep. France Castro ibinunyag na may impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte

Ibinunyag ni House Deputy Minority Leader France Castro ng ACT Teacher Party-List na may lumulutang na Impeachment Complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Castro, hilaw pa ang ganitong usapin dahil usap-usapan pa lamang ito ng ilang mambabatas at hindi pa masasabing seryoso sila dito.

Bukod sa walang numero hindi rin masabi kung anong grounds ang gagamitin sa pagsusulong ng impeachment complaint.

Gayunman, naniniwala ang Makabayan Bloc na senyales ito na lumalalim ang hidwaan sa UniTeam.

Sinabi pa ni Castro na sakali mang matuloy ang impeachment, kanila itong titimbangin at saka magpapasya kung susuportahan o hindi.

Muling inulit ng mamabatas na ang tanging dapat gawin ni VP Sara ay ipaliwanag kung paano nito ginastos ang ilegal na ₱125-M pesos na Confidential Funds noong 2022.

—Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author