dzme1530.ph

REP. EGAY ERICE, WALANG PLANONG LUMAHOK SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS LABAN KAY VP SARA DUTERTE

Loading

Walang plano si Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice na lumahok sa anumang aktibidad ng Kongreso sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng DZME, Radyo TV, sinabi ni Erice na ayaw niyang maging bahagi ng laban ng kampo ng mga Marcos at Duterte.

Sinabi ni Erice na anuman ang maging resulta ng impeachment proceedings ay talo ang taumbayan at walang kabutihang maidudulot sa bayan.

Iginiit din ng kongresista na ang desisyon niyang hindi lumahok sa impeachment proceedings ay hindi pagtatalikod sa kanyang mandato.

About The Author