dzme1530.ph

MGA RESIDENTE NG ALBAY, HINIMOK NA MAGING MAPAGBANTAY

Loading

NANAWAGAN si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero sa mga residente ng Albay na manatiling mapagbantay at makinig sa official updates mula sa Philvolcs at local authorities kaugnay ng patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.

 
Ayon kay Escudero,mahalaga ang patuloy na paghahanda at pagtutulungan ngayong patuloy ang ashfall at pyroclastic density currents na nakaapeto sa maraming bayan sa Albay.
 
Tiniyak ni Escudero sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Albay na masusi niyang binabantayan ang sitwasyon at handa siyang magkaloob ng kinakailangang tulong anumang oras sa mga apektado ng patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.
 
Nagpahayag ng pakikiisa si Escudero sa mga taga Albay at hinimok ang mga ito na sundin ang mga abiso ng mga awtoridad at unahin ang kanilang kaligtasan.

About The Author