dzme1530.ph

Rekomendasyong sibakin ang mga tauhan ng OTS sa NAIA, suportado ng kanilang hepe

Sang-ayon si Office of Transportation Security (OTS) Administrator Ma-O Aplasca sa rekomendasyon ni House Speaker Martin Romualdez na tanggalin sa trabaho ang OTS screeners na sangkot sa pagnanakaw sa mga pasahero sa NAIA.

Ayon kay Aplasca, ito ang nakikita nilang paraan upang maayos muli ang imahe ng OTS.

Maaari naman aniyang mag-reapply ang screening officers na dati nang may magagandang record.

Kasabay nito, tiniyak ng OTS Administrator na ilalapit niya sa kongreso ang hiling na benepisyo ng kanilang manggagawa upang hindi maakit ang mga ito sa tukso o gumawa ng masama.

About The Author