dzme1530.ph

RED LINE SA USAPIN SA WEST PHILIPPINE SEA, BINIGYANG DIIN NG ISANG KONGRESISTA

Loading

“Atin ang West Philippine Sea.”
 
Iyan ang malinaw na katotohanan sa pagbubukas ng ASEAN Summit na ginaganap sa bansa.
 
Ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon, ang WPS ay sa Pilipinas, at sa mga Pilipino.
 
Aniya, bagaman at mayroon tayong relasyon sa Tsina na iba’t ibang aspeto mula diplomatiko, pang-ekonomiya, kalakalan, kultura at iba pa, subalit may red line sa usapin ng WPS.
 
Giit ni Ridon, ang sovereign rights sa WPS, ang paggamit ng lahat ng kayamanan sa ilalim ng mga bato, isla at karagatan ay para sa Pilipinas at Pilipino lamang.
 
Isa sa inaasahang mabubuo ngayong ASEAN Summit ay ang Code of Conduct sa WPS na pag-a-agree-han ng lahat ng claimant countries kabilang ang China, Pilipinas, Vietnam, at iba pang umaangkin.

About The Author