![]()
Itinanghal ang nation’s girl group na BINI bilang Favorite Global Music Star sa 2026 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.
Naungusan ng P-pop girl group ang big acts, gaya nina Taylor Swift, Olivia Dean, Zara Larsson, Tyla, Tame Impala, at Karol G.
Ni-represent ng 8-member group ang Asia sa naturang category.
Pinangalanan din bilang winners sa awards night na ginanap sa Los Angeles, California sina Tom Holland, Zendaya, Chris Pratt, at K-pop supergroup na BTS.
Samantala, itinanghal din ang BINI bilang Most Influential Southeast Asian Artiste – Female sa Jupiter Award 2026, isang German cinema and TV award.
