![]()
Kinumpirma ng Department of Migrant Workers o DMW na walang Pinoy ang nasaktan sa banggaan ng tanker ship at luxury paddle-wheeler na nakadaong sa New Orleans sa Estados Unidos.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, ligtas ang 17 Filipino seafarers na lulan ng Marshall Islands-flagged tanker Atlantic Asphalt na nasangkot sa aksidente noong November 13.
Idinagdag pa ni Cacdac na wala namang Pinoy na lulan ng luxury paddle-wheeler.
Sinabi pa ng kalihim na inaayos na nila ang repatriation sa 17 seafarers na tiniyak niyang pagkakalooban ng kaukulang tulong.
