dzme1530.ph

Ramadan sa Pilipinas, magsisimula bukas

Inanunsyo ng Bangsamoro Mufti na bukas, araw ng Martes, March 12, ang opisyal na pagsisimula ng Ramadan o buwan ng pag-a-ayuno ng mga Muslim sa Pilipinas.

Ginawa ni Sheikh Abdulrauf Guialani ang anunsyo, matapos isagawa ng inatasang grupo ang moon sighting sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Guialani na hindi namataan kagabi ang crescent moon, na palatandaang tinitingnan ng mga muslim bago ideklara ang pagsisimula ng kanilang banal na buwan.

Ang petsa ng pag-u-umpisa ng Ramadan sa iba’t ibang bansa ay magkakaiba dahil nakapende ito sa lunar sighting sa bawat partikular na lokasyon.

About The Author