dzme1530.ph

Publiko, pinag-iingat sa mga pagkain na mabilis masira bunsod ng mainit na panahon

Loading

Hinimok ng mga doktor ang publiko na mag-ingat sa mga pagkain na madaling masira bunsod ng mainit na panahon.

Sa press conference, sinabi ni Philippine Society of Gastroenterology President, Dr. Ian Homer Cua, na madaling mapanis ang mga pagkain kapag tag-init bunsod ng mabilis na pagdami ng bacteria.

Aniya, mag-ingat sa pagkain, lalo na kapag mataas ang heat index, dahil ang kalaban din sa ganitong panahon ay gastroenteritis.

Pinayuhan din ni Cua ang publiko na iwasang initin ang pagkain at tiyaking bagong luto ang kakainin.

Binigyang diin naman ni East Avenue Medical Center Director Alfonso Nuñez ang kahalagahan ng regular na paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit, gaya ng gastrointestinal infections.

About The Author