dzme1530.ph

PSA, pinabulanan ang data leakage sa Nat’l ID system

Pinasinungalingan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang impormasyong kumakalat sa internet na na-hack ang database ng National ID.

Batay sa imbestigasyon ng ahensya, wala silang nakitang senyales na nabuksan ang pribadong impormasyon ng PhilSys.

Ayon pa sa PSA, kanilang pinaigting ang seguridad upang hindi makalusot at makapagtala ng mga nakababahalang ‘hacking incident’ sa Pilipinas.

Samantala, pina-alalahanan ng Kagawaran ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga nababasang impormasyon sa social media.