dzme1530.ph

Proposed ₱6.352-T 2025 budget, inaasahang lalagdaan ng Pangulo bago mag-Pasko

Loading

Inaasahang lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago mag-Pasko, ang proposed ₱6.352 trillion 2025 national budget.

Ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Sec. Mark Leandro Mendoza, kasama ang panukalang budget sa mga batas na pipirmahan ng Pangulo bago matapos ang taon.

Mababatid na sinertipikahan nang urgent ng Pangulo ang 2025 General Appropriations Bill para sa mabilis nitong pagpasa.

Samantala, kahapon ay pinangunahan din ng Pangulo ang ika-7 Legislative Executive Development Advisory Council meeting sa Malakanyang kasama ang mga lider ng Senado, Kamara, at mga miyembro ng gabinete. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author