Pinalilikas na ng Malakanyang ang mga residenteng nasa loob ng 6-kilometer radius ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Ito ay kasunod ng pagputok ng bulkan, dahilan para itaas ito sa Alert Level 3.
Bukod dito, pinaghahanda rin ang mga lokal na pamahalaan sa karagdagan pang paglilikas kung kakailanganin.
Pinapayuhan naman ang mga residente na sundin ang utos ng mga LGU, at mag-ingat sa ashfall at lahar.
Ipinatitiyak din na may nakahanda silang emergency kits kaakibat ng palagiang pag-monitor sa update ng DOST-PHIVOLCS. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News