dzme1530.ph

Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, halos dumoble na, ilang araw bago ang Valentine’s Day

Loading

Halos dumoble na ang presyo ng karamihan ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, apat na araw bago ang Valentine’s Day.

Sa price monitoring ng DZME Radyo-TV, umakyat na sa ₱80 hanggang ₱100 ang kada piraso ng Tulips mula sa ₱50 noong nakaraang linggo.

Tumaas din ng ₱50 ang stargazer na ngayon ay naglalaro ang presyo sa ₱180 hanggang ₱200.

Ang bouquet naman na mayroong sampung piraso ng carnation ay mabibili ng ₱800.

Para naman sa mga mas bet o gusto ang dried flowers, ang small roses ay mabibili ng ₱35 kada piraso o 3 pieces for ₱100.

Inaasahang ng flower shop owners sa dangwa ang pagdagsa ng mas maraming customers simula bukas hanggang Biyernes, sa mismong Araw ng mga Puso.

About The Author