dzme1530.ph

Premonition sa SONA; VP Sara pinayuhang bawasan ang panunuod ng Netflix

Pinayuhan ni Camiguin Congressman Jurdin Jesus “JJ” Romualdo si Vice President Sara Duterte na pairalin ang ‘proper decorum’ sa halip na atupagin ang panunuod ng Netlfix.

Ayon kay Romualdo, sa halip na panonood ng mga pelikula sa Netflix ang inaatupag ng Pangalawang Pangulo mas makabubuting tingnan nito ang kanyang tungkulin at umakto ng tama.

Dapat aniyang maging responsable si Duterte sa kanyang mga sinasabi at ginagawa.

Sabi pa ni Romualdo, hindi magandang ginagamit nito sa kanyang public pronouncements ang mga napapanood nito sa Netflix.

Sa Netflix film-series na “Designated Survivor” ay namatay sa isang catastrophic attack ang Pangulo ng Amerika at ang lahat ng nasa Presidential Line of Succession matapos pasabugin ang US Capitol habang isinasagawa ang State of the Union Address at ang natira na lamang para ipagpatuloy ang pamumuno ay ang itinalagang designated survivor.

Tanong tuloy ni Romualdo, may premonition ba ang Bise-presidente sa maaring mangyari sa nalalapit na State of the Nation Address ng Pangulo sa Hulyo 22.

Dagdag pa ni Romualdo na ang ganitong pagbibiro ay hindi dapat baliwalain dahil lahat ng high-ranking officials ng bansa ay nasa Batasan Complex sa araw ng SONA.

About The Author