dzme1530.ph

PPP code, ipatutupad na sa ilalim ng nilagdaang IRR

Sisimulan na ang pagpapatupad ng Public-Private Partnership code na magpapalakas sa kolaborasyon ng gobyerno at pribadong sektor sa social development at infrastructure projects.

Ito ay matapos malagdaan ang Implementing Rules and Regulations ng nasabing batas.

Ayon sa National Economic and Development Authority, ito ang nagpapakita ng commitment ng gobyerno sa imprastraktura sa ilalim ng “Build-Better-More” program, para sa social at economic transformation.

Kaugnay dito, magdodoble-kayo pa ang pamahalaan sa pagkalap ng strategic investments na patuloy na magpapalago ng ekonomiya.

Ang PPP code ang nagtakda ng updated policy framework para sa pagpapalakas ng investment ecosystem ng bansa, at titiyakin nito ang patas na partnership ng pampubliko at pribadong sektor.

About The Author