dzme1530.ph

POLICE OFFICER NA MAY-ARI NG BARIL NA GINAMIT SA TACLOBAN SCHOOL SHOOTING, ISINAILALIM SA RESTRICTIVE CUSTODY

Loading

Isinailalim sa restrictive custody ang pulis na nagmamay-ari ng baril na ginamit ng 14-anyos na lalaki sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
 
Natuklasan na isang babaeng police officer ang may-ari ng 9 mm pistol na ginamit ng isa sa dalawang suspek.
 
Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr., isusulong din nila ang administrative charges laban sa police officer.
 
Ipinag-utos din ni Nartatez sa mga imbestigador na bumuo ng kaso laban sa mga responsable sa pag-access ng mga baril ng dalawang menor de edad.
 
Pinag-aaralan din ng mga imbestigador ang liability ng security agency na nagmamay-ari ng .38 revolver na ginamit ng isa pang suspek.
 
Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Department of Justice upang matiyak na nasusunod ang legal procedures sa imbestigasyon.

About The Author