dzme1530.ph

PNP, tiniyak na walang “sacred cow” sa kanilang hanay; Pulis na mapapatunayang tumulong kay Alice Guo, kakasuhan

Hindi papalagpasin ng Philippine National Police na kasuhan ang mga tauhan nito na mapapatunayang tumulong upang makalabas ng bansa si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, patuloy ang kanilang imbestigasyon sa lumabas na ulat na may kawani ng PNP ang tumulong upang makalabas ng Pilipinas at hindi mahabol ng otoridad ang dating alkalde na posibleng dumaan via backdoor.

Una nang ibinunyag ng kapatid nito na si Shiela Guo na sumakay sila ng bangka palabas ng Pilipinas.

Habang sinabi rin ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Dir. Winston Casio na isa umanong high police officer ang tumulong kay Guo upang makalabas ng bansa noong July 14, 2024.

Tiniyak naman ng PNP na sinumang tauhan ng pulisya ang mapatunayan tumulong kay Guo, hindi sila mag aatubiling sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang mga ito. —ulat mula kay Allen Ibañez, DZME News

About The Author