dzme1530.ph

PNP, makikipag-ugnayan sa kampo ni Apollo Quiboloy para sa mapayapang pag-aresto sa kontrobersyal na pastor

Makikipag-ugnayan ang PNP sa kampo ni Pastor Apollo Quiboloy para sa mapayapang pag-aresto matapos isyuhan ng Senado ng arrest order ang leader ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, magbibigay sila ng assistance sakaling hilingin ng Senate Sergeant-At-Arms ang tulong ng PNP sa pagsisilbi ng arrest order.

Inihayag naman ni Police Major Catherine dela Rey, spokesperson ng police regional office 11, na nakahanda ang kanilang pwersa sakaling pumalag ang mga supporter ng kontrobersyal na pastor.

Sinabi ni Dela Rey na kakausapin ng kanilang regional director ang kampo ni Quiboloy upang maging mapayapa ang pagsisilbi ng arrest order na para lang naman sa pagsipot ng televangelist sa pagdinig ng Senado.

About The Author