dzme1530.ph

PISO, SUMADSAD SA PANIBAGONG RECORD LOW SA HALOS ₱64 PER DOLLAR

Loading

Patuloy ang paghina ng piso makaraang sumadsad ito sa halos ₱64 per dollar.
 
Nagsara ang palitan kahapon sa ₱63.95 per dollar, na panibagong record low para sa local currency.
 
Ito na ang ika-tatlumpu’t dalawang beses na naitala ang halaga ng piso sa all-time low ngayong taon.
 
Simula nang mag-umpisa ang Oktubre, umabot na sa ₱1.175 ang itinamlay ng piso kontra dolyar.
 
Patuloy ang paghina ng piso, sa kabila ng itinaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang benchmark interest rate ng 50 basis points sa 5.5% noong nakaraang linggo.

About The Author