dzme1530.ph

Pinoy, pino-protektahan anuman ang kasarian – DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pino-protektahan ng gobyerno ang lahat ng Pilipinong nasa ibang bansa, anuman ang kanilang kasarian.

Ito ay matapos madawit sa rambulan ang ilang Pinay transgender laban sa Thai transgenders sa Bangkok Thailand.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na dahil walang labor office ang Pilipinas sa Bangkok, ang DFA ang humawak sa isyu.

Kabilang dito ang pagpapauwi sa mga nasabing transgender Pinay.

Mababatid na dalawang transgender Pinay ang nahaharap sa assault at battery charges dahil sa kinasangkutang gulo.

About The Author