dzme1530.ph

Pinoy Fans, proud pa rin kay Celeste Cortesi

Ipinagmamalaki parin ng maraming Pinoy, si Celeste Cortesi sa kabila ng kabiguan sa pagpasok sa semi-finals ng 71st Miss Universe Pageant na ginanap kahapon sa New Orleans, USA.

Idinaan ng maraming fans sa social media ang pagpapahayag nila ng pasasalamat sa beauty queen para sa kung paano niya kinatawan ang bansa.

Samantala, si Miss Universe 2018 Catriona Gray ay nagbigay ng “Words of Comfort” sa mga pageant followers sa mga kinatawan ng bansa na hindi nakapasok sa Top 16.

Bilang isa sa mga commentator ng Coronation Night, naunang nakita si Gray na umiling-iling matapos mabigo ang kanyang kababayan na si Celeste Cortesi makapasok sa semifinals.

Hinarap naman ni Gray ang mga Miss Universe followers mula sa Pilipinas at iba pang bansa na hindi naka-first cut sa mga delegado.

Ayon kay Catriona, ang selection committee ay tiyak na nahirapan para makapili sa mga kababaihan, at sa mga nabigo meron pa umanong susunod na taon.

About The Author