![]()
Sa kabila ng early exit sa singles tournament sa Bad Homburg Open, sa Germany, mapapanood pa rin si Filipina tennis superstar Alex Eala sa doubles competition.
Nakatakdang maka-partner ng bente uno anyos na Pinay ang tennis icon na si Venus Williams.
Maagang nagpaalam si Eala sa singles competition matapos kapusin kay Elise Mertens ng Belgium, 6-3, 6-3, sa first round ng tournament.
Sa kabila nito, gumawa ng panibagong kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Filipina na makatanggap ng seed sa isang Grand Slam tournament para sa nalalapit na Wimbledon Championships sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng pagbabalik ng Pinay tennis sensation sa Top 30 ng WTA World Rankings na ni-release noong Lunes.
