dzme1530.ph

Pilipinas, wala pang available na bakuna laban sa mpox

Wala pang available na bakuna sa Pilipinas para sa Mpox.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni DOST Vaccine Development Expert Panel Head Dr. Nina Gloriani na wala pang mpox vaccine manufacturer ang nag-apply para sa certificate of product registration sa bansa.

Gayunman, hindi pa umano prayoridad na bilhin ito ng gobyerno para sa publiko dahil kakaunti pa lamang ang kaso nito.

Sinabi naman ni Gloriani na ngayon ay mayroon nang nalikhang 3rd generation mpox vaccine sa ibang bansa na may mas malakas na proteksyon.

Kasalukuyan na rin umanong dine-develop ang 4th-generation mpox vaccine at DNA vaccine. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author