![]()
Nag-demand ang Presidential Office ng South Korea ng official explanation and apology mula sa Ukraine.
Kasabay ito ng pag-akusa sa Kyiv ng pagbubunyag sa paglipat ng dalawang North Korean prisoners of war sa South Korea.
Sinabi ni Seong Ghi-hong, Senior Presidential Secretary for Public Relations, na labis na nadismaya ang Presidential Office sa unilateral disclosure ng Ukraine.
Gayundin aniya ang maling pag-aanunsyo na walang non-disclosure agreement sa pagitan ng magkabilang panig.
Idinagdag ng South Korean official na pinag-aaralan ng kanilang pamahalaan ang karagdagang hakbang sa naturang isyu, sakaling kailanganin.
