![]()
Tinawanan lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na sinusubukang hadlangan ng administrasyon ang 2028 elections.
Una nang sinabi ni VP Sara na gumagawa ng paraan ang administrasyon upang hindi magkaroon ng halalan sa 2028 at tinawag pa niya itong ‘becoming increasingly diabolical’.
Nang tangkain ng mga mamamahayag na hingin ang komento ng Pangulo sa pahayag, tumawa lamang ito at saka tumalikod sa mga kagawad ng media.
Ginawa ni VP Sara ang pahayag kasabay ng pagtanggi sa alegasyon ng dating security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco na si Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay sa pagde-deliver ng cash sa kanya.
Sinabi ng Bise Presidente na hindi niya kilala si Gracioso at lalong wala siyang tinanggap na pera mula sa kanya.
Patuloy pa anya ang nilang hinihintay ang kopya ng affidavit ni Gracioso upang makapaghain na sila ng mga kaso.
