![]()
Napalanunan ni Taylor Swift ang most coveted honor sa MTV’s Video Music Awards na Video of the Year para sa kanyang showgirl-inspired na “The Fate of Ophelia,” na inialay niya kay yumaong Dolly Parton.
Ang “Ophelia” ay ang first single ni Taylor sa “The Life a Showgirl” album noong 2025.
Sa kanyang pagtanggap ng karangalan mula sa VMA, pinuri ni Taylor si Dolly bilang “the ultimate showgirl.”
Si Dolly na isang award-winning country singer, songwriter at businesswoman, ay pumanaw noong Agosto, sa edad na 80.
Una nang ipinagkaloob kay Taylor ang kauna-unahang MTV VMA Artist Director Honors.
Sa kanyang career, nakapagsulat at nag-direk si Taylor ng 18 videos, kabilang ang isa para sa kanyang bagong single na “Patient Zero,” na una niyang itinampok sa naturang seremonya.
