![]()
KINUMPIRMA ng House Prosecution panel na handa silang bawiin ang hiling nilang personal na aminin ni Vice President Sara Duterte sa impeachment court ang kanyang bank, tax at business records.
Sa pagsisimula ng Day 30 ng impeachment, sinabi ni House Prosecutor Chel Diokno na babawiin nila ang request kung papayag na ang defense team sa stipulation o pagkakasundo sa mga account ni VP Sara at kilalanin ang mga dokumento.
Layun nito na hindi na kailangan pang magharap ng 10 hanggang 20 testigo para lamang patunayan ang pagkakaroon ng mga record at para hindi na humaba pa ang trial.
Tumutol naman dito si lead Defense Counsel Atty Shiela Sison.
Iginiit ni Sison ang right against self-incrimination at right to remain silent ni VP Sara.
Idinagdag ni Sison na iginalang na rin ng Korte Suprema ang karapatang tio sa mga administrative case kaya’t dapat din itong irespeto ng impeachment court.
Samantala, kinumpirma ni Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Esudero na sumulat si Davao City Mayor Baste Duterte at humiling ng karagdagang panahon para sa pagharap sa padinig.
Pinagbigyan naman ng presiding officer na sa halip na ngayon ay bukas at sa miyerkules na haharap sa trial si Mayor Baste.
