dzme1530.ph

Pilipinas, umapela ng suporta para makakuha ng pwesto sa UN Security Council

Humihingi ng suporta ang Pilipinas sa kampanya para sa non-permanent seat sa United Nations Security Council (UNSC), kasabay ng panawagan sa reporma na dagdagan pa ang mga miyembro ng konseho upang mapalakas ang transparency at accountability.

Sa talumpati sa United Nations General Assembly, umapela ng pwesto para sa Pilipinas si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa UNSC para sa 2027 hanggang sa 2028 na termino, kasabay ng pagtukoy sa kasaysayan ng bansa sa United Nations.

Sinabi ni Manalo na bilang unang Republika sa Asya at founding member ng UN, ang mahusay na pakikitungo ng Pilipinas ay alinsunod sa itinataguyod na kapayapaan, pagkakapantay-pantay ng soberanya ng bawat estado, mga karapatan at dignidad ng lahat ng tao.

Idinagdag ng Kalihim na ang Pilipinas ay “trusted partner, innovative pathfinder and committed peacemaker,” at may taglay na karanasan, lalim, at mabilis na pakikipag-ugnayan sa international community para tugunan ang karaniwang global challenges.

Makakatunggali ng Pilipinas sa pwesto sa UNSC ang Kyrgyztan. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

 

About The Author