dzme1530.ph

Pilipinas, tumitindig para sa Russia sa pag-kondena sa terorismo

Tumitindig ang Pilipinas para sa Russia sa pag-kondena sa lahat ng uri ng terorismo.

Ito ay matapos ang karumal-dumal na pag-atake ng teroristang grupong ISIS sa isang concert hall sa Moscow na ikinasawi ng mahigit 100 katao.

Sa post sa kanyang X account, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pamilyang naapektuhan ng walang katuturang terorismo.

Sinabi pa ni Marcos na labis siyang nagdadalamhati para sa mga inosenteng buhay na nawala dahil sa ISIS attack.

About The Author