dzme1530.ph

PILIPINAS, ITINUTULAK ANG ZERO TARIFF SA INILULUWAS NA SAGING SA JAPAN

Loading

Isinusulong ng Pilipinas ang zero tariffs sa banana exports sa Japan habang isinasapinal ang isang bilateral trade agreement, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
 
Sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque na kabilang sa mahahalagang paksa sa revised Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA) negotiations ay ang pagtatapyas sa taripa na ipinapataw sa lokal na saging.
 
Aniya, sa pamamagitan nito ay mabubuksan ang Japan market para sa mga saging ng bansa dahil mayroon itong taripa na 8 to 18 percent, na mas mataas kumpara sa mga kalapit bansa sa ASEAN.
 
Ang mga saging na ini-import mula sa Pilipinas ay pinatawan ng 18% tariff simula Oct. 1 hanggang March 31, habang ang shipments simula Apr. 1 hanggang Sep. 30 ay mayroon 8% tariff.

About The Author