dzme1530.ph

KING CHARLES, NILINAW NA HINDI ITINUTURING NA WORKING MEMBERS NG ROYAL FAMILY SINA HARRY AT MEGHAN

Loading

Nilinaw ni King Charles III na ang kanyang anak na si Harry at misis nito na si Meghan ay hindi ikinu-konsiderang “working members of the Royal Family” matapos bumalik sa Britanya mula sa Amerika.
 
Umalis sa Britain ang mag-asawa at binitawan ang kanilang royal duties noong 2020 sa gitna ng sigalot sa Royal Family.
 
Subalit sa isang sorpresa noong nakaraang buwan, bumalik sina Harry at Meghan para manirahan sa United Kingdom, kasama ang kanilang mga anak na sina Archie at Lilibet.
 
Sa liham, binigyang-linaw ni Charles na ang posisyon ng mag-asawa ay katulad lang din sa private citizens at hindi sila dapat tawagin na His at Her Royal Highness.

About The Author