Mahigpit na binabantayan ng Dep’t of Foreign Affairs ang mga ulat kaugnay ng pag-freeze ng America sa kanilang foreign assistance.
Sa pahayag ng DFA na ibinahagi ng Presidential Communications Office, sinabing makikipagtulungan ito sa partners sa US Dep’t of State at US Gov’t upang matukoy kung papaano ito makaa-apekto sa Pilipinas.
Mababatid na iniutos ni US State Sec. Marco Rubio ang pag-freeze sa halos lahat ng foreign aid worldwide.
Ito ay ilang araw lamang matapos umupo muli sa pwesto ni US President Donald Trump.
Ang Pilipinas ay kabilang sa mga benepisyaryo ng mga programa ng US Agency for International Development o USAID. —ulat mula kay Harley Valbuena