dzme1530.ph

PBBM, tiniyak ang mas malaking impluwensya ng gobyerno sa NGCP sa pamamagitan ng investment ng Maharlika Fund

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas malaking impluwensya ng gobyerno sa National Grid Corp. of the Philippines, sa pamamagitan ng kukuning 20% shares ng Maharlika Invesment Corp..

Ayon sa Pangulo, ito ay tungo sa mas matatag na suplay ng kuryente at pagpapanatili ng makatarungang presyo nito para sa bawat Pilipino.

Sinabi pa ni Marcos na sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maitatag ang NGCP, magkakaroon na ng boses ang taumbayan sa mahahalagang desisyon nito.

Iginiit ng Pangulo na ang kasunduan sa pagkuha ng shares sa NGCP ay nagsilbing magandang solusyon sa pangamba ng lahat.

Mababatid na lumutang ang mga duda na posibleng makontrol ng China ang suplay ng kuryente sa bansa, dahil sa malaking shares sa NGCP ng State Grid Corp. of China. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author