dzme1530.ph

PBBM, tinawanan lamang ang PDEA report na nagdadawit sa kaniya sa ilegal na droga

Tinawanan lamang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang lumutang na report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagdadawit sa kaniya at sa aktres na si Maricel Soriano sa ilegal na droga.

Sa ambush interview sa PICC sa Pasay City, tumawa lamang ang pangulo nang tanungin kaugnay ng umanoy PDEA pre-operation report noong 2012, na ngayon ay iniimbestigahan na ng senado.

Sumingit naman si Executive Sec. Lucas Bersamin at sinabing “contrived” o inimbento lamang ang alegasyon.

Mababatid na sa pagdinig sa senado ay iginiit ni Sen. Ronald dela Rosa na hindi gawa-gawa lamang ang alegasyon.

Una nang tinawag na peke ng PDEA ang mga dokumentong kumalat sa social media na nag-uugnay sa pangulo sa ilegal na droga.

About The Author