dzme1530.ph

PBBM, social pension program para senior citizens, pinabibilis

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas mapabuti ang programa ng pamahalaan para sa mga nangangailangang senior citizen.

Ayon sa Pangulo, isang mabilisang solusyon ang Social Pension Program ng gobyerno para matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan ng mga senior citizen.

Nanawagan din ang Punong Ehekutibo sa ahensya ng Department Of Social Welfare And Development (DSWD) na ipagpatuloy ang pamamahagi ng cash grants sa mga mahihirap na pangunahing apektado ng pagtaas ng mga bilihin.

Dagdag ng Pangulo, malaki ang maiaambag ng DSWD sa kanyang administrasyon para maibsan ang kahirapan.

About The Author