dzme1530.ph

100,000 MT ng sibuyas, nasayang dahil sa kakulangan ng pasilidad

100,00 metriko toneladang sibuyas ang nasayang noong nakaraang taon.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), naitala ang 35 percent loss matapos ang anihan, bunsod ng kakulangan ng mga pasilidad, gaya ng cold storage facilities at improper handling.

Kabuuang 283,172 metric tons ng pula at puting sibuyas ang naani mula sa halos 30,000 ektaryang taniman.

Inilabas ng ahensya ang datos sa gitna ng kakaunting supply ng sibuyas sa bansa, dahilan para lumobo sa mahigit P700 kada kilo ang presyo ng sibuyas noong Disyembre.

About The Author