dzme1530.ph

PBBM, nakikiisa sa mga Muslim sa paggunita ng Al Isra Wal Miraj

Nakikiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Muslim para sa Al Isra Wal Miraj, o ang night journey at ascension ni Prophet Muhammad.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang paglalakbay ni Muhammad ay sumisimbolo sa debosyon at ispiritwal na katatagan ng mga Muslim sa pananalig kay Allah.

Ito rin umano ang nagpapa-alala na ang tagumpay ay bunga ng pagiging masigasig at pakikipagtulungan.

Kaugnay dito, umaasa si Marcos na ang milagro sa pamamagitan ng pananampalataya ay magsisilbing inspirasyon sa mga muslim sa pagpapatatag ng loob sa harap ng mga hamon at suliranin.

Hiling rin nito na ang kanilang sakripisyo at pananampalataya ay magiging gabay sa pagkakamit ng nagkakaisang mithiin tungo sa mapayapa at progresibong sambayanan para sa lahat. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author