dzme1530.ph

PBBM, nais makamit ang 12-0 sweep para sa senatorial candidates ng administrasyon

Loading

Nais ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makamit ang 12-0 sweep sa mga pambato ng administrasyon sa pagka-senador sa 2025 midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa Partido Federal ng Pilipinas Leaders’ Convergence Summit sa Maynila, inihayag ng Pangulo na pangunahin nilang layunin ang maipanalo ang lahat ng kanilang pambato sa senatorial race.

Bukod dito, hangad din ni Marcos ang pagwawagi ng lahat ng kanilang mga kandidato sa mga lokal na posisyon.

Naniniwala ang Pangulo na matapos ang pagbuo ng koalisyon at alyansa sa iba’t ibang partido, napili nila ang mga kandidatong pinakamahuhusay, pinakamagagaling, at pinakamatitibay hindi lamang sa eleksyon kundi sa serbisyo publiko.

Kaugnay dito, gagawin umano nila ang lahat upang maipanalo ang kanilang mga pambato, mula sa national level hanggang sa mga probinsya, lungsod, at munisipalidad.

About The Author