dzme1530.ph

PBBM, nag-donate ng P80.9-M sa Camp Navarro General Hospital

Nag-donate si Pang. Ferdinand Marcos Jr. ng P80.9-million sa Camp Navarro General Hospital (CNGH) sa Western Mindanao Command  (WESMINCOM) sa Zamboanga City.

Sa pag-iinspeksyon sa bagong CNGH, itinurnover ng pangulo kay CNGH Chief Lt. Col. Giovanni Falcatan ang P80.9-million na cheke mula sa Office of the President.

Ang donasyon ay gagamitin sa pagbili ng mga kagamitan para sa operating room, diagnostics, ward, physical therapy, at iba pang kasangkapan.

Ang CNGH ay nag-aalok ng mga serbisyong medikal, surgical, at pediatric services sa mga sundalo at kanilang dependents.

About The Author