dzme1530.ph

PBBM, kinumpirmang mayroon siyang ubo at sipon

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang nag-kumpirma na mayroon siyang ubo at sipon.

Sa kanyang talumpati sa Awarding Ceremony sa Malacañang para sa outstanding civil servants, naging kapansin-pansin na sinisipon ang Pangulo at suminga pa ito sa kalagitnaan ng pagsasalita.

Gayunman, tiniyak ni Marcos na hindi siya hihinto sa pagta-trabaho sa kabila ng sakit.

Mababatid na kahapon ay unang sinabi ni Dep’t of Health Sec. Ted Herbosa na “under the weather” ang Pangulo at maaaring napasahan o nahawa umano siya ng sakit sa dami ng bumati sa kanya noong kanyang kaarawan.

Gayunman, kumambyo ang Kalihim at sinabing walang sakit ang pangulo kasabay ng pagsasabing hindi dapat kaagad ipagpalagay na may karamdaman ang isang taong nakasuot ng face mask. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author