dzme1530.ph

PBBM, ininspeksyon ang bagong tayong Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City

Ininspeksyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang bagong tayong Camp Navarro General Hospital (CNGH) building sa Army Western Mindanao Command (WESMINCOM) sa Zamboanga City.

Nag-ikot ang pangulo sa dalawang palapag na gusaling may lawak na 2,500 square meters.

Mayroon din itong 120-bed capacity para sa mga sundalo at kanilang dependents.

Kasama ng pangulo sina Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., DPWH Undersecretary Ador Canlas, WESMINCOM Commander Lt. GEN. William Gonzales, CNGH Acting Commanding Officer Lt. Col. Giovanni Falcatan, at iba pang opisyal.

Ang bagong hospital building ay pinondohan sa ilalim ng ‘tatag ng imprastraktura para sa kapayapaan at seguridad (TIKAS) program ng DPWH at DND.

About The Author