dzme1530.ph

PBBM, inaasahang magkakaloob ng pardon sa 1,000 PDLs para sa Pasko!

Inaasahang pagkakalooban ng pardon at executive clemency ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasa isanlibong persons deprived of liberty, para sa paparating na pasko.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Justice Assistant Sec. at Spokesperson Mico Clavano na nagbigay na sila ng listahan ng mga kuwalipikadong PDL sa parole and probation administration, at ia-akyat na ito sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang eksaktong bilang ng mga mabibigyan ng pardon, ngunit hindi umano ito malalayo sa bilang na halos isanlibong pinalaya noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga kuwalipikado sa pardon at executive clemency ay ang matatanda, mga may kapansanan, at may malubhang sakit.

Ito ay bahagi ng hakbang upang maibsan ang matinding siksikan o congestion sa mga kulungan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME Newshttps://dzme1530.ph/pbbm-inaasahang-…ls-para-sa-pasko/

About The Author