dzme1530.ph

PBBM, hindi nagsisisi na naging Pangulo ng bansa

Loading

Hindi kailanman nagsisisi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagiging presidente ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, sa harap ng napakarami niyang tungkulin ay ginagawa niyang diskarte ang pagturing sa mga problema bilang normal na bahagi ng kanyang trabaho.

Mapalad din umano siyang makatulong sa mga Pilipino, lalo na kapag nakikita niya ang pagsasakatuparan ng mga programa at mga epekto nito.

Kaugnay dito, taas-noo niya umanong sasabihin na ang pagiging Pangulo ang pinaka-malaking karangalan at pribilehiyong maibibigay ng taumbayan sa isang tao.

Sinabi ni Marcos na ang mga ordinaryong Pilipinong nagbigay sa kanya ng oportunidad na magsilbi ay silang pinanghuhugutan niya ng lakas at inspirasyon.

About The Author