dzme1530.ph

PBBM, dumalo sa pag-selyo ng alyansa ng Partido Federal ng Pilipinas at National Unity Party

Dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pag-selyo ng alyansa sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas at National Unity Party.

Sa seremonya sa Manila Golf and Country Club sa Makati City, sinaksihan ng pangulo ang alliance signing na pinangunahan nina PFP President at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr., NUP Chairman Ronaldo Puno, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr., Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at iba pang opisyal.

Nagtipon din ang iba pang mga miyembro ng magkabilang partido.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na hindi maitatangging para sa eleksyon ang pagsasanib-pwersa ng mga partido, ngunit kina-kailangan umano ang pagkaka-unawaan kung ninanais na i-angat at paunlarin ang bansa, alinsunod sa diwa ng serbisyo publiko.

Sinabi rin nito na mahalagang itatag ang mga alyansa sa harap ng mga nakaambang balakid ng political forces, at ito umano ang mekanismo sa pag-resolba sa magkakaibang paniniwala sa halip na kumalas sa partido at tumakbo bilang independent candidate.

About The Author