dzme1530.ph

PBBM, dumalaw sa burol ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo, agarang hustisya, tiniyak

Bumisita si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa burol ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Dumating ang Pangulo sa burol sa Dumaguete City pasado alas-6 kagabi, at personal itong nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Degamo kasabay ng pagtitiyak ng agarang hustisya.

Tiniyak din ng Pangulo ang hustisya para sa mga pamilya ng iba pang napatay sa karumal-dumal na krimen.

Ipinangako rin ang scholarships para sa mga naiwang anak ng mga biktima, at sasagutin din nito ang pagpapagamot sa mga nasugatan.

Mababatid na pinagbabaril ng armadong grupo si Degamo habang namamahagi ng ayuda sa mga residente, dahilan para maraming madamay sa pag-atake na tinawag ng Pangulo bilang “purong pulitika”.

About The Author