dzme1530.ph

PBBM, binigyang-diin ang kahalagahan ng original Murillo Velarde 1734 Map sa paggigiit ng maritime territory ng Pilipinas

Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng Murillo Velarde 1734 Map sa paggigiit ng maritime territory ng Pilipinas.

Sa presentasyon sa Malakanyang ng orihinal na Murillo Velarde 1734 Philippine Map na ginawa noong panahon ng espanyol, inihayag ng Pangulo na ipinapakita ng mapa ang malinaw na ebidensya ng awtoridad at jurisdiction ng bansa sa Scarborough Shoal at Spratly Islands.

Ito ay pinagtibay pa sa 2016 arbitral award sa ilalim ng UNCLOS, para sa karapatan ng bansa sa yamang-dagat sa exclusive economic zone at continental shelf.

Kaugnay dito, kinilala ng Pangulo ang dokumentong nagpapakita sa maritime heritage ng Pilipinas, at nagpapa-alala sa kasaysayan na kapag napangalagaan ay magkakaroon ng kapangyarihang ipalaganap ang katotohanan.

Tungkulin umano ng lahat na bitbitin ang legasiya ng mapa para sa mga susunod na henerasyon, at hinikayat ang lahat ng pang-hugutan ito ng inspirasyon sa pag-protekta at paggigiit sa ating pag-aari nang may integridad. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author